Ako nga pala si Eula.

“Kung sino man ung dumating sa buhay ko ngayon, magiging ideal girl friend ako para sa kanya.”

Iyan ang sabi ko sa mga friends ko noon habang nag uusap usap kami. Ang tagal ko din naging single, at nanggaling ako sa relasyon na kailanman alam ko na hindi patas ang mga nangyari. Kaya eto, sa bagong dadating ako babawi ng mga pagkukulang ko.

Hanggang sa may dumating na nga. Bon pala ang kanyang pangalan, hindi ko itatanggi na tuwang tuwa ako sa kanya kasi ang saya saya ko pag kasama ko siya.. Noong mga panahon na nanliligaw pa siya ang bait bait niya sa akin. Hindi niya ako matiis at napakagalante. Nasusundo ako kahit nasaan man ako, at siya pa ang gumagawa ng paraan para mag kita kami. 

Sa mga pinakita niyang iyon, hindi ko naiwasan na mahulog sa kanya at napamahal talaga siya sa akin ng tunay. Makalaunan, naging kami na.. Noong mga unang linggo, wala pading pag babago. Hanggang sa nakakapansin na ako ng unti-unting pag kakaiba. Hindi na siya madalas makipag kita sa akin at minsan ako na gumagawa ng paraan. Sabagay, mas maganda kung hindi kayo laging nag kikita. Kung dati hanggang sa amin niya ako hinahatid, biglang sa sakayan niya na lang ako naihahatid. Pag nag aaway kami, ako na lang laging sumusuyo, kahit kasalanan niya.

Palapit ng palapit ung first monthsary namin, nag kakaroon ng gap ung relasyon namin. Sobrang dalang niya na mag text sa akin at naging mailap siya masyado. Kahit may pagkakataon kami magkasama, hindi niya nagagawan ng paraan.

2 days bago mag monthsary namin.. Kasabay ng madalang niyang pag text, hinide niya na ung relationship status namin sa facebook na ipinagtaka ko talaga ang dahilan. Hindi ko siya tinanong tungkol doon, hanggang sa nalaman niya ung mga panlalait ng mga tropa ko sa kanya. Akala niya hindi ko siya pinagtanggol.

“Bakit mo hinide ung relationship status natin?” tanong ko..

“Baka kasi sabihin ng mga tropa mo, may panget kang boyfriend.” sagot niya..

“Bon, mas nauna ung pag hide mo ung relationship status natin bago iyon!” sagot ko..

“Eh nakita kasi ni mama ung mga pictures natin!” sagot niya..

“Bon, wala tayong pictures na nakapublic!” sagot ko..

Hindi na siya sumagot at tuwing inuungkat ko iyon hindi niya na ako sinasagot. Hindi ko na pinansin iyon dahil may tiwala ako sa kanya.

First monthsary namin, binigyan ko siya ng cake and letter. Actually, first time kong mag effort ng ganoon. Naapreciatte niya naman daw at naiyak pa daw siya sa tuwa. Kinabukasan noon, parang lumalayo na naman ung loob niya sa akin. Akala ko pa naman okay na..

Pagkalipas ng 3 araw sinubukan ko siya. Nakipag hiwalay ako, pero hinihintay ko na pigilan niya ako at gumawa siya ng effort para bumalik ako. Hindi niya man lang ako pinigilan, ni hindi siya gumawa ng paraan.

Pagkalipas ng isang linggo, bumaliktad ang mundo. May nag sabi sa akin na kaya daw naging ganoon siya kasi dahil sa mga sinasabi ng mga tropa ko. Kung ako tatanungin hindi sapat un pero feeling ko kasalanan ko. Hingi akong hingi ng sorry at ako naman ung nakikipag balikan. Sabi niya, kung gusto ko daw talaga maayos iwanan ko daw ung tropa ko. Hindi ko nagawa, mas mahalaga ung tropa ko.

Ngunit hindi ko inakala na ganoon pala siya naging mahalaga sa akin. Dumating sa punto na hinanda ko ung sarili ko na iwasan mga tropa ko. Ngunit, hindi na daw mababago ung mga nangyari.

No choice. I need to move on. A weeks later nakakaya ko na ng wala siya. Hanggang sa nag paramdam ulit siya, sinabihan niya ako na aayusin niya. Pinuntahan niya pa ako, akala ko okay na. Sabay nag paalam na siya, kailangan daw namin mag hiwalay kasi may pinapaligawan ung nanay niya sa kanya.

Hindi na ako nakapalag at napag kasunduan na lang namin na maging mag kaibigan at sabi niya mahal niya daw ako at susubukan niyang maayos ulit ito.

1 week before nagulat ako, may ka mutual na kagad siya. Akala ko mahal niya ako, akala ko ba may pinapaligawan sa kanya? Nasaktan ako sobra. Hindi ko inaasahan iyon. Ngunit kailangan kong maging masaya kahit anong mangyari.

Sa ngayon, putol na lahat ng communication namin. Wala nading nag kokonekta sa amin. Hindi ko itatanggi na bitter ako, lalo na ngayon na galit padin ako.